Makasaysayang lungsod ng Palmyra sa Syria – nabawi na ng government force mula sa ISIS

140
Nabawi na ng Syrian Government Forces ang makasaysayang lungsod ng Palmyra sa Islamic State.
 
Katuwang ang Russian Air Force, sinuyod ng Syrian Army ang Palmyra dahilan upang umatras ang ISIS.
 
Ayon sa Syrian forces – naniniwala sila na tuluyan ng humina ang pwersa ng ISIS lalo’t bukod sa Palmyra ay una ng nabawi ang Aleppo.
 
Una ng nakubkob ng mga terorista ang naturang lungsod at winasak ang Unesco-listed archaeological site na Roman amphitheater ruins, noong Disyembre.
 
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”

Facebook Comments