Philippine Amusement and Gaming Corp. Chairperson Andrea Domingo, nilinaw na hindi namimili ang gobyerno kung sino ang nais nitong bigyan ng permits para sa casino operations

34
Nilinaw ni Philippine Amusement and Gaming Corp. Chairperson Andrea Domingo na hindi namimili ang gobyerno sa kung sino lang ang nais nitong bigyan ng permits para sa casino operations.
 
Ang pahayag ni Domingo ay kasunod ng paratang ng Chinese Businessman na si Jack Lam na may pinapaboran ang opisyal sa pag-aapruba ng mga bagong permits.
 
Kasabay ng pagtanggi sa alegasyon, ipinaliwanag ni Domingo na posibleng ginagawa lang ito ni lam dahil pinatataasan nila ang buwis para sa kanyang gambling operations.
 
Bukod rito, naganap din ang pagsalakay ng Bureau of Immigration sa mga casino ni Lam kung saan nakitaan ito ng iligal na aktibidad.
 

Noong Nobyembre, tinatayang nasa 1,316 Chinese National ang nahuli na iligal na nagtatrabaho sa pag-aari ni Lam na casino sa Fontana Leisure Parks.
 
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL 558 Manila

Facebook Comments