MANILA – Isinisi ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay dating SAF Chief Director Getulio Napeñas na nag-iisang responsable sa operasyon sa Mamasapano Maguindanao na ikinasawi ng SAF 44 commandos.Ito ang tugon ni Aquino sa paninisi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pananagutan ang dating pangulo sa Mamasapano incident.Sa opisyal statement ng dating Pangulong Aquino, punto por punto sinagot nito ang mga pahayag ni Pangulong Duterte sinabi nito na si Napeñas ang dapat bumalikat sa lahat ng responsabilidad dahil niloko at nagsinungaling ito sa kanya bago ang operasyon.Wala rin anyang katotohanan na hindi ginamit ang sundalo dahil inatasan niya ang AFP na magsagawa ng rescue sa SAF commandos sa kasagsagan ng bakbakan at gawing PNP-AFP joint operation.Pinabulaanan din ni Aquino ang alegasyong nakialam ang gobyerno ng Amerika dahil sa kanyang pagkaka-alala,wala siyang nakausap na anumang kinatawan ng Estados Unidos bago at pagkatapos ng operasyon.Ipinagtanggol din ni Aquino si dating peace process Sec. Ging Deles sa patutsada ni Pang. Duterte, wala anyang alam si Deles dahil isa itong pulis at military operation.
Dating Pangulong Noynoy Aquino – Isa-Isang Sinagot Ang Mga Paninisi Ni Pangulong Duterte Kaugnay Sa Mamasapano Encounter
Facebook Comments