Manila, Philippines – Nagbigay na ng patikim ukol sa laman ng mga dokumentong inihain nila sa Department of Justice si Council for Philippine Affairs (COPA) leader pastor “Boy” Saycon.
Nakasaad sa mga dokumento ang pagkakasangkot ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa katiwalian pati na ng mga kaalyado nitong mambabatas.
Ayon kay Saycon, nakatanggap si Aquino ng P90 million mula sa binansagang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.
Maliban dito, mahigit 10 mambabatas din ang inaakusahang tumanggap ng campaign contributions kay Napoles.
Nang matanong naman kung sinu-sino ang mga ito, sinabi na lang ng COPA official na isa sa mga tumanggap ay matinding kritiko ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte at dati rin daw nasangkot sa tangkang kudeta noong Arroyo administration.
Wala pa namang tugon dito ang kampo ng dating Presidente.