Taas presyo sa palay at mais, inihirit ng mga magsasaka sa Cagayan dahil sa epekto ng tagtuyot

Humirit ng taas presyo sa kanilang produktong palay at mais ang mga magsasaka sa Baggao, Cagayan.

 

Ito ay dahil na rin sa epekto ng matinding tagtuyot sa kanilang mga pananim.

 

Anila, nalalanta na ang kanilang mga pananim dahil bukod sa matinding init, idinadaing din nila ang kawalan ng patubig sa mga irigasyon.


 

Dahil dito, nangangamba ang mga magsasaka na baka hindi sila makapagbayad ng utang na ginamit sa pagsasaka dahil sa inaasahang pagkalugi.

 

 

Facebook Comments