Dating PhilHealth Chief Alexander Padilla, itinanggi ang fund diversion

Mariing pinabulaanan ni dating PhilHealth President and CEO Alexander Padilla ang mga alegasyong sangkot siya sa pag-divert ng bilyun-bilyong pisong halaga ng pondo ng ahensya.

Nabatid na inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang paghahain ng criminal charges laban kay Padilla, dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Representative Janette Garin at dating Budget Secretary Florencio “Butch” Abad dahil sa umano’y pag-divert ng 10.6 billion pesos para sa pagpapatayo ng barangay health centers at pagbili ng dental trucks.

Ayon kay Padilla, walang ganitong pondo na nag-e-exist.


Ang mga alegasyon aniya ay pawang walang basehan.

Dagdag pa ni Padilla, ang isyu ay hindi naman bahagi ng kasalukuyang iniimbestigahan sa Senado.

Hindi naman aniya siya ipinatawag o pinagsalita hinggil sa isyu.

Ang pagpapatayo ng barangay health centers ay proyekto mismo ng Department of Health (DOH) at walang kinalaman dito ang PhilHealth.

Facebook Comments