Dating Pinuno ng 86th Infantry Battalion, Binigyan ng Pagkilala ng LGU Jones

Cauayan City, Isabela- Binigyan ng pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Jones si dating 86th Infantry Battalion commanding officer na si LTCol. Ali Alejo.

Sa pamamagitan ng Municipal Resolution number 2021 – 07, iginawad ni Vice Mayor Gaylord Gumpal ang karangalan kay Alejo dahil sa pagprotekta sa bayan ng Jones laban sa pananakot ng Communist Terrorist Group.

Si Alejo ay papalitan ng bagong talagang acting commanding officer na si LTCol. Joseph Flores sa katatapos na Turn–Over of Command Ceremony na pinangunahan ni MGen. Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army.


Nagbilin naman ang heneral sa bagong talagang pinuno ng 86IB na panatilihin ang mga naumpisahan ng dating pinuno ng battalion at pangunahan din nito ang ilang hakbang para sa tagumpay ng operasyon.

Bago ito, nagsilbi bilang Executive Officer ng 502nd Infantry Brigade si Flores.

Si LTC. Flores at LTC Alejo ay parehong nagtapos ng Philippine Military Academy “Masinag” Class of 1998.

Facebook Comments