Dating Piskal ng Maguindanao, pumalag sa pagputol ng mga kahoy kasabay ng Road Clearing ng DILG

Hinihimok ngayon ni Former Assistant Prosecutor ng Maguindanao at kasalukuyang Vice Mayor ng bayan ng Buldon Atty. Cairoden Pangunotan ang publiko, lalo na ang mga Local Officials na magtanim ng puno matapos isagawa ang Road Clearing sa ibat ibang bayan at naapektuhan ang Ilang malalaking mga punong kahoy na nakatayo malapit sa kalsada.

Nakakaawa aniyang pagmasdan ang mga punong kahoy na walang awang pinagpuputol o pinagpapatay dahil sa kagustuhan ng Ilang LGU na sumunod sa naging direktiba ng DILG.

Iginiit pa ng opisyal na hindi katulad sa mga Structures na nasira , at maaring agad na mapalitan, mag-aantay pa aniya ng sampu hanggang dalawampung taon para tuluyang lumaki ang isang punong kahoy.


Nakakalungkot aniyang isipin na nangyayari ito kasabay ng Climate Change o Global Warming na ating nararanasan.

Hindi rin aniya malinaw kung nakasaad sa DILG Memo Circular 2019-121 na kabilang sa isasakripisyo ang mga punong kahoy para sa gagawing road clearing.

Kaugnay nito, hinihimok na lamang ni Vice Mayor Pangunotan ang lahat na agad na magtanim ng puno kahit paman sa gilid ng kalsada bastat naaayon na sa tamang sukat mula sa kalsada.

Samantala, agad namang nilinaw ni DILG Maguindanao Director Aminah Dalandag na maaring makipag-ugnayan ang mga LGU sa Ministry on Environment ng BARMM sakaling may paglilinaw sa direktiba.

Nauna na ring naglabas ng Manifesto ang MENRE BARMM kaugnay sa pag saalang- alang sa pagputol ng punong kahoy.

Facebook Comments