MANILA – Bigo si Administration Bet Mar Roxas na makapaghain sa Commission on Elections ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures.Ito ay sa kabila ng extension na ibinigay ng Comelec mula sa 5pm deadline kahapon ay ginawang 6:30pm.Ayon kay Liberal Party Spokesperson Cong. Barry Gutierrez, humingi ng 14 days na extension sa Comelec si Roxas para maihain ang kaniyang SOCE.Ipinaliwanag ni Gutierrez na maraming mga resibo na kinakailangang mai-scan at mai-attach sa dokumento kaya kinakailangan pa ng sapat na panahon ng kampo ni Roxas para ito ay matapos.Sa ilalim ng Comelec Resolution no. 9991 ang kandidatong mabibigo na makapaghain ng SOCE sa itinakdang panahon ay maaring mapatawan ng multa na P30,000 para sa unang paglabag at P60,000 sa second offense.Wala pa naman sagot ang Comelec kung papayagan nila ang hirit ni Roxas lalo na’t nanindigan ang komisyon na wala na silang ipatutupad ng extension sa paghahain ng SOCE
Dating Presidential Candidate Mar Roxas, Bigong Makahabol Sa Deadline Ng Paghahain Ng Soce Kahapon Sa Comelec
Facebook Comments