Tuition Fee Hike Sa Mga Pribadong Paaralan Ngayong Pasukan, Idudulog Ng Kabataan Partylist Kay Incoming President Rodrig

9

MANILA – Nakatakdang idulog ng Kabataan Partylist kay Incomning President Rodrigo Duterte ang pagtaas ng matrikula ng mga pribadong paaralan sa Elementary at High School, maging sa kolehiyo sa bansa, ngayong school year 2016-2017.Sa interview ng RMN kay Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, malaki ang tiwala nitong kakatigan sila ng pangulo lalo nat isa ang usapin sa matrikula sa taon-taon na lang na pino-problema ng mga magulang na nagpapa-aral ng kanilang mga anak.Sinabi ni Ridon na may kapangyarihan ang pangulo na ipahinto ang tuition fee increase.Nabatid na aabot sa 1,232 na pribadong paaralan sa bansa ang pinayagan ng Dept. of Education na magtaas ng 7.87 percent sa tuition fee habang nasa 280 na kolehiyo at unibersidad naman ang pinayagan ng Commission on Higher on Education.Dahil rito, hindi naiwasan ni ridon na batikusin ang deped at ched dahil sa hindi maaasahan aniya ang mga nasabing tanggapan.Nais ni Ridon na ipasilip sa susunod na administrasyon kung sa mga pasilidad at sahod ba talaga ng mga guro napupunta ang dagdag matrikula.

Facebook Comments