Dating pulis at ngayo’y high-value target sa Puerto Princesa City, arestado

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang dati nilang kabaro at ngayo’y high-value individual sa lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan.

Kinilala itong si Judelio Torce, 38-anyos, dating miyembro ng PNP.

Nahuli ito ng PNP sa pamamagitan ng COPLAN-ESCALOP sa Fernandez Street, Brgy. Tanglaw, Puerto Princesa City.


Si Torce ay may warrant of arrest dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng Puerto Princesa City Police Station.

Facebook Comments