Dating pulis Maynila, arestado sa drug operation sa Butuan City

Butuan City, Philippines – Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at illegal possession of firearms ang dating pulis Maynila na si Avensuel Dy matapos makuha sa kanyang posisyon ang labintatlong sachets ng shabu, drug paraphernalia, at dalawang baril.

Ayon kay Psupt. Rowena Martinez, hepe ng intelligence section ng Butuan City Police Office, si Dy ay kasama sa listahan ng high value target ng PNP.

Sinasabing si Dy ay kabilang sa labinsiyam (19) na mga police officers noon na natanggal sa serbisyo matapos masangkot sa maanomalyang procurement sa 4.54 milyon pesos police coastal crafts sa ilalim ng Arroyo administration.


Nangyari ang drug raid kahapon ng hapon sa nirentahang bahay sa suspek sa Princess Homes 2, Brgy. Villakanangga, Butuan City.

 

Facebook Comments