Dating Pulis na sangkot sa Maguindanao massacre arestado sa North Cotabato.

46
Arestado ang isang dating police na isinasamgkot sa malagim na November 23, 2009 Maguindanao massacre sa isinagawang police operatio  kahapon ng umaga.

Kinilala ang naarestong suspect na si ex-PO1 Jonathan Engid, dating myembro ng Datu Unsay Municipal Police Office na kasalukuyang nakatira sa Brgy. Nunguan, Pikit municipality.
Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga elemento ng Regional Intelligence Operatives 12 dakong alas 6:20 ng umaga sa Brgy. Batulawan ng nasabi paring bayan.
Ihahatid sana umano ng naarestong suspect ang kanyang misis sa paaralan ng maharang ng mga otoridad.
Tinangka pa umano ng dating police na tumakas kayat napilitan ang mga otoridad na sya ay paputukan.
Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang biktima na agad namang isinugod sa ospital.
Tag: Mindanao, Cotabato City, DXMY, Straight to the Point, Kasamang Erwin Cabilbigan
Photo courtesy of Jessie Ali

Facebook Comments