𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗥𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Umaabot na halos apat na raang libong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang katao sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Ang mga suspek ay pawang mga residente ng bayan ng Calasiao at Mangaldan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas nuebe ng gabi sa Brgy. Tebeng na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng ilang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng limampu’t dalawang gramo na nagkakahalaga ng mahigit tatlong daang libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa mga suspek na napag alamang kasama sa listahan ng mga high value individual sa usapin ng illegal drugs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments