Dating Secretary Edwin Lacierda itinanggi na may kinalaman sa mga lumabas na bikoy videos na alegasyon ng Malacanang

 

Tinawag na grade school matrix ni dating Presidential Spokesman Secretary Edwin Lacierda ang inilabas na matrix ng Palasyo ng Malacanang na nagdadawit sa kanya na umanoy isa sa nasa likod ng mga black propaganda laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito para isulong ang kandidatura ng mga kandidato ng Otso Diretso.

 

Sa isang pahayag ay sinabi ni Lacierda na wala siyang kinalaman sa mga lumabas na Bikoy Videos.

 

Paliwanag pa ni Lacierda, tatlong beses nang naglabas ng Matrix ang Malacanang na tinawag nitong grade school Matrix para lamang pasinungalingan ang mga alegasyon laban sa administrasyon.


 

Nakakapagtaka din aniya na mismong si Panelo ay inilalayo ang sarili sa matrix na kanyang inilabas at kung pinaniniwalaan aniya ito ng Malacanang ay talagang nawawala na ang mga ito sa sarili.

Matatandaan na bukod kay Lacierda ay kabilang din sa matrix na inilabas ng Malacanang sina Senador Antonio Trillanes IV, at ellen Tordesillas at iba pa.

Facebook Comments