
Inihahanda na ng Office of the Ombudsman ang mga kasong isasampa laban sa mga dating liderato ng Kongreso.
Ito ay kaugnay sa proseso ng pagpasa ng pambansang pondo noong 2024 at 2025.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, kasong plunder ang plano nilang ihain laban kina dating Senate President Chiz Escudero at dating House Speaker Martin Romualdez.
Kakasuhan aniya ang dalawa dahil sa sabwatan na may kinalaman din sa isyu ng mga maanomalyang flood control projects.
Kaugnay nito, inaasahan din na may iba pang mga opisyal hindi lamang sa Kongreso ang sasampahan ng kaso ng Ombudsman.
Facebook Comments










