Dating Sundalo, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

245

*City of Ilagan, Isabela- *Arestado ang isang lalaki na dating kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad bandang 11:30 kaninang umaga sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Randy Reccion, 49 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Osmeña, City of Ilagan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli si Reccion matapos itong magpositibo sa inilatag na transaksyon ng mga otoridad kung saan nabili mula sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Narekober naman sa pag-iingat ng suspek ang isang libong piso na buy bust money.

Bukod dito, nakumpiska rin sa pag-iingat ni Reccion ang isang purse na naglalaman ng anim na sachet ng hinihinalang shabu at isang unit ng cellphone.

Dinala na sa himpilan ng PNP Ilagan ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers