Dating sundalo, nagkitil ng buhay dahil sa trauma matapos makipaglaban sa giyera

(Unsplash)

Matapos ang mahigit isang dekadang paninilbihan bilang sundalo, hindi na kinaya ng isang tatay ang traumang nadulot nang pakikipaglaban noon sa giyera sa Iraq.

Nitong Pebrero 12 nang matagpuang nakahandusay ang beteranong sundalo na si Lance Shingler, 34, sa loob ng kanilang bahay sa Shard End Birmingham.

Agad itong isinugod sa ospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.


Nagpakamatay si Lance dahil umano sa matagal na pakikipaglaban sa ‘post traumatic stress disorder’ (PSTD) matapos ang ilang taon.

Nagkaroon ng ganitong kondisyon si Lance matapos mamatay ang siyam na mga kasamahan dahil sa giyera na noo’y pinuntahan niya pa umano isa-isa sa kanilang burol.

Ayon sa kaibigan ni Lance na si Leanne, isang mabuting tao ito na gagawin ang lahat sa sinuman lalo na sa kanyang mag-iina.

Mahilig din daw itong maglakbay kasama ang kanyang pamilya.

Naging kasapi si Lance sa Fourth Battalion The Rifles sa Iraq noong taong 2003 hanggang 2008, at dito namatay ang mga nasabing kaibigan.

“When he left the army he found it hard to cope at times and he didn’t receive the support he should have from various groups and orgainisations. An inquest will be held but the family do feel he was let down,’ sabi ni Leanne.

Samantala, naglikom naman ng pera ang pamilya ni Lance para sa burol nito at pagpapalibing.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

Facebook Comments