Coleen Garcia, ikinuwento na nabiktima siya ng road rage

Manila, Philippines – Ikinuwento ni Coleen Garcia sa pamamagitan ng isang Facebook post ang engkwentro niya at ng kanyang driver sa isang dating pulis.

Ayon sa model/actress na si Coleen, nagsimula ang insidente nang biglang huminto ang sasakyan ng ex-cop sa harapan nila kaya bigla ring nag-preno ang kanyang driver.

Wala naman aniyang banggaan na naganap pero galit raw na bumaba ang dating pulis at inatake ang kanyang driver.


Dahil dito, binuksan raw ni Coleen ang pinto ng kanyang van para sawayin ang dating pulis, pero bigla siyang sinunggaban nito at kinalmot sa mukha.

Mabuti na lang raw at naisara niya agad ang pinto ng sasakyan.

Hindi rin aniya siya tinulungan ng ibang pulis na dumating sa lugar.

Nakuhaan naman ni Coleen ng litrato ang lisensya ng lalaki at in-upload ito sa kanyang Facebook para maging babala sa publiko.

Dagdag pa ni Coleen, matapos ang kanyang insidente ay nakabangga ulit ang dating pulis ng isa pang sasakyan at sinigawan ulit nito ang driver nito.

DZXL558

Facebook Comments