Posibleng pakikipag-alyansa sa partido ni VP Sara, pag-uusapan pa ng Lakas CMD at Partido Federal

Pag-uusapan pa ng Lakas CMD at Partido Federal ng Pilipinas ang posibleng pakikipag-alyansa sa partido ni VP Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Sa ambush-interview sa Alliance Signing Ceremony ng dalawang partido, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na bukas pa rin naman silang pag-usapan ang pagkikipag-alyansa sa HNP.

Gayunpaman, ikokonsulta muna aniya nila ito sa Partido Federal.


Samantala, ibinida naman ni Romualdez ang pagsasanib pwersa ng dalawang partido kung saan magiging bahagi ang 100 na miyembro sa lower chamber ng Kamara mula sa Lakas CMD at mayorya ng mga lokal na opisyal ng Partido Federal.

Facebook Comments