Dating tauhan ng Wellmed Dialysis Center at dating PhilHealth officer, nagsabwatan para sa “ghost claims”

Manila, Philippines – Iginiit ng may-ari ng Wellmed Dialysis Center na nagkaroon ng sabwatan para palusutin ang “ghost” claims.

Nabatid na nasa kustodiya ng NBI ang Wellmed owner na si Brian Sy dahil sa mga kasong estafa, falsification of public documents at paglabag sa PhilHealth Law.

Ayon kay Atty. Roel Ilagan, abogado ni Sy – ang dating empleyadong si Edwin Roberto at ang dating PhilHealth officer na si Liezel Santos ang dawit sa sabwatan.


Nagkaroon aniya sila ng sariling audit noong 2018 nang masita ang trabaho ng dalawa.

Giit naman nina Santos at Roberto na si Sy mismo ang nag-utos sa kanila na ipalsipika ang mga rekord ng mga pasyente.

Samantala, tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na masusi nilang pag-aaralan sakaling pormal nang maghain ng aplikasyon para sa Witness Protection Program (WPP) sina Santos at Roberto.

Facebook Comments