Dating TV at radio frequencies ng ABS-CBN, pinapagamit sa alternative distance learning

323

Inirekomenda ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte sa pamahalaan na gamitin muna ang dating television at radio frequencies ng ABS-CBN para sa alternative distance learning modalities ng mga estudyante ngayong darating na pasukan.

Sa House Resolution 1044, sinabi ni Villafuerte na dapat magamit muna ang nabakanteng frequencies para mapakinabangan sa pagtugon sa epekto ng COVID-19 partikular sa sektor ng edukasyon.


Giit ni Villafuerte, malaking hamon para sa mga mag-aaral at guro ang access sa internet at gadgets.

Makakatulong ang paggamit sa dating frequencies ng ABS-CBN para sa remote learning strategies upang maihatid ang edukasyon sa mga malalayong lugar.

Dagdag pa ng kongresista, maaari ding gamitin ang mga frequency sa paghahatid ng mga impormasyon tungkol sa COVID-19 prevention and control, risk-reduction at preparedness.

Batay aniya sa report ng World Bank, mahigit 1.6 billion na mga bata at kabataan ang hindi makapag-aaral sa 161 bansa o halos 80% ng mga estudyante sa buong mundo dahil sa pandemya.

Facebook Comments