Dating vice mayor ng Amulung, Cagayan – patay matapos tambangan sa Tuguegarao City

Cagayan – Patay matapos tambangan ang dating Vice mayor ng bayan ng Amulung sa Cagayan.

Sa ulat, sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktimang si Alexander Pascual at binabaybay ang kahabaan ng national hi-way sa Barangay Carig, Tuguegarao City nang dikitan ng isang SUV saka siya pinagbabaril.

Nagawa pang ipagpatuloy ng biktima ang pagmamaneho ng kaniyang motorsiklo pero sinundan siya ng mga suspek hangang sa tuluyan na itong bumagsak malapit sa bahagi ng hall of justice.


Agad na tumakas ang mga suspek kung saan tama ng mga bala sa likod ang ikinamatay ng bikitma.

Si Pascual ay nagsilbing vice mayor ng Amulung taong 2013 hanggang 2016 at residente sa Barangay Cordova.

Facebook Comments