Balik sa General Community Quarantine (GCQ) status ang Davao city.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, epektibo kaagad ang kautusan hanggang sa November 30, 2020.
Ang pagbabalik sa GCQ status ng Davao City ay bunsod nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.
Kasunod nito, inaatasan si Melquiades Feliciano, Deputy Chief Implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa siyudad ng Bacolod at Cebu na makipag-ugnayan sa Coordinated Operations to Defeat the Epidemic (CODE) team na syang ide-deploy sa Davao City para tumulong na mapababa ang kaso ng COVID-19 doon.
Magkakaroon din ng epektibong One Hospital Command Center sa lugar upang matiyak na may sapat na referral system sa mga pribadong ospital na mayroong 20%-30% ward bed occupancy.
Tutugunan din ng national government ang kakulangan sa nurse, mga health facilties at magbibigay ng karagdagang high-oxygen cannulae, Favipiravir (Avigan), Remdesivir, medical equipment at iba pa.
Samantala, inaatasan din ang mga law enforcement agencies na umalalay sa mga Local Government Units (LGUs) sa pagpapatupad nila ng granular lockdowns sa mga komunidad o barangay na maraming naitatalang kaso ng COVID-19.