Davao City Rep. Paolo Duterte, handang magpa-adopt sa iba pang political parties

Bukas si Deputy Speaker at Davao City Rep. Paolo Duterte na magpa-adopt pa sa ibang mga political groups.

Nauna rito ay napag-alaman na adopted member na ito ng National Unity Party (NUP).

Ayon kay Duterte, isang karangalan para sa kanya na i-adopt ng NUP na isa sa malalaking political groups sa bansa.


Pero nakahanda din ang Presidential Son na umanib sa iba pang political parties kung ito ang magiging daan para pagkaisahin ang lahat.

Binigyang diin ni Polong na ipakita sa mga Pilipino ang pagkakaisa para sa iisang hangarin sa bayan na iangat ang buhay ng mga Pilipino.

Sakali mang i-adopt siya ng iba pang political party ay kauna-unahan ito sa ilalim ng Duterte administration.

Facebook Comments