Davao Occidental, niyanig ng 5.7 na magnitude na lindol

11:41 kanina nang yanigin ng magnitude 5.7 na lindol ang Davao Occidental.

Ayon sa ulat ng Phivolcs, natunton ang sentro ng malakas na pagyanig sa layong 208 km Timog-Silangang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental.

May lalim itong 065 kilometers at tectonic ang origin.


Wala namang naitalang intensity sa anumang panig ng Davao Occidental ang nangyaring lindol.

Pero asahan na ang mga mangyayaring aftershocks.

Facebook Comments