Niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang Davao Occidental nitong Linggo ng gabi.
Sa datos ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig 41 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Don Marcelino.
Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 172 kilometers.
Naramdaman ang pagyanig sa mga sumusunod:
Intensity III sa General Santos City; at Alabel, Sarangani.
Intensity II sa Mati City, Davao Oriental; Glan at Malapatan, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental; Kiblawan at Sta. Cruz, Davao del Sur.
Wala namang inaasahang pinsala pero posibleng masundan ito ng aftershocks.
Facebook Comments