DAWEL BRIDGE SA DAGUPAN CITY, SARADO PARA SA MGA HEAVY VEHICLES AT EQUIPMENT

34
Pansamantalang sarado ang Dawel Bridge para sa mga heavy vehicles at heavy equipment dahil sa damage na nakuha nito sa nagdaang lindol.
Ayon sa Department of Public Works and Highways 2nd District Engineering Office, tanging ang mga light vehicle lamang ang papayagang dadaan dito.
Inaabisuhan ang mga heavy vehicles and equipment na magtutungo ng Dagupan City na maaaring dumaan sa Pangasinan-La Union Road, Mangaldan-Dagupan section at vice versa.

Nakapagtala din ng minor damage ang Covered Court ng Judge Jose De Venecia Sr. Technical Vocational Secondary School sa Bolosan.
Ayon sa lokal na pamahalaan hindi na muna gagamitin ang naturang school gym habang isinasagawa pa ang masinsinang pagsusuri.
Matatandaang naramdaman ang Intensity IV sa Dagupan City kahapon dulot ng 7.0 Magnitude. | ifmnews
Facebook Comments