Pangulong Bongbong Marcos, nagpatawag ng special cabinet meeting ngayong araw

Isang special cabinet meeting ang isasagawa ngayong araw na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Palasyo ng Malakanyang.

Batay sa impormasyon mula sa Office of the Press Secretary, sa gagawing special meeting ay tatalakayin ang 2023 national budget.

Ito ay sisimulan ngayong alas-9:00 ng umaga.


Una nang sinabi nang pangulo na dalawang beses sa isang linggo ay magkakaroon sila ng cabinet meeting upang patuloy na mapag-usapan ang mahahalagang agenda para sa mas mabilis na pagbibigay serbisyo.

Facebook Comments