SA DAGUPAN CITY: 2,000 NA TRABAHO INIHANDA PARA SA 2022 MEGA JOBS FAIR

25
Naghanda ng dalawang libong trabaho ang PESO Dagupan sa tulong na rin ng DOLE Regional Office 1.
Ayon kay PESO Manager ng Dagupan City Jocelyn Siapno, alok nila ay mga Local at Overseas Works kasama na rin ang mga serbisyong maaaring ibigay ng OWWA, POEA, DOLE at TESDA.
Kanila ring inimplementa sa nasabing aktibidad ang pagdadala ng sariling ballpen upang maobserbahan parin ang minimum public health standards dahil sa banta ng COVID-19.

Samantala, target pa nilang magsagawa ng susunod na Mega Jobs Fair sa lungsod ng Dagupan. | ifmnews
Facebook Comments