DAYAAN SA TIMBANGAN SA ILANG PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY, MULING BINIGYANG BABALA NG LGU

Muling nagbigay babala ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez ukol sa mga nahuhulihan ng madaya o depektibong mga timbangan sa ilang pamilihan sa lungsod.
Kinuhang oportunidad na ng alkalde ang naganap na ground breaking ceremony ng nakatakdang pagpapatayo ng wholesale stalls sa Magsaysay fish market na paalalahanan ang mga fish vendors na huwag magtangka pang mandaya o gumamit ng mga depektibong timbangan sa pagbebenta ng mga isda.
Nais ng LGU na maging malinis at maayos ang bentahan ng produktong isda sa naturang fish market lalo at karamihan sa mga bumibili sa naturang market ay mga dayo o turista na galing pa sa ibang lugar.

Nakatanggap na rin ng ilang reklamo umano mula sa mga mamimili ang pagkakaroon ng mga depektibong timbangan sa ilang pamilihan kung kaya’t nakapagsagawa rin ng inspeksyon at maging pagkumpiska sa mga madayang timbangan sa mga palengke noong mga nakaraang buwan.
Ayon sa alkalde, lalo pa umano nilang hihigpitan ang penalty at pinaplano na ang pag-update sa mga ordinansang may kaugnayan sa mga ganitong klase ng panloloko nang sa gayon ay tuluyang tumalima ang mga tinderang pagtatangkang mangdaya ng timbangan. |ifmnews
Facebook Comments