Dayalogo sa North Korea, ipipilit ng Estados Unidos

Ipipilit ng Estados Unidos ang pagkakaroon ng dayalogo sa North Korea kaugnay ng nuclear program nito.

Ayon kay Admiral Harry Harris, pinuno ng pacific command – naniniwala siyang iiral pa rin ang non-military solution at mauuwi sa mapayapang proseso ang sigalot sa pagitan ng US at NoKor.

Aniya, hindi gusto ng Amerika na pabagsakin ang North Korea kundi pabalikin lang sa katinuan ang leader nitong si Kim Jong Un.


Kasabay nito, ikinatuwa ni Harris ang ginawang hakbang ng China na pagpapalamig sa umiinit na tensyon sa pagitan ng Pyongyang at Washington.

Facebook Comments