Mayroon umanong magaganap na isang dayalogo sa pagitan muli ng implementing agency na Department of Public Works and Highways o ang DPWH Region 1 at ilang mga store owners sa kahabaan ng Perez Blvd at MH Del Pilar St. kaugnay sa proyektong road elevation at drainage upgrades bago pa ito umpisahan sa mga nasabing bahagi.
Personal na tinungo ng ilang kawani ng DPWH Region kasama si Mayor Fernandez ang mga bahagi sa lungsod na kabilang sa proyektong pagpapataas ng mga kalsadahan at pagpapalaki ng mga drainage systems na pinaniniwalaang makakatulong upang tuluyan umanong maibsan ang problemang pagbaha sa syudad.
Mula sa 0.6, magiging 1.8 ang iprinoposed na sukat ng drainage canals ng ahensya na para mapadali umanong makalabas ang tubig at maaccomodate ang tubig ulan, considering na sa kasalukuyan ay maliliit umano ang sizes ng mga kanal.
Samantala, ani ng alkalde, pupulungin naman ang mga store owners na naapektuhan upang kanilang malaman ang tungkol sa uumpisahang nasabing proyekto sa kanilang bahagi at kung ano rin ang maaaring ibigay na tulong o assistance ng lokal na pamahalaan ng lungsod para sa kanila kung maumpisahan na ang proyekto. |ifmnews
Facebook Comments