DAYALOGO SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN AT DOTR SA PAGGAMIT NG NLET UPANG MAKAPABALIK BYAHE ANG MGA BUS SA PANGASINAN, ISASAGAWA

Sumulat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ukol sa problemang nararanasan ng publiko at bus companies sa paggamit ng North Luzon Expressway Terminal ( NLET).

Hanggang sa ngayon walang direktang byahe ang mga bus sa probinsiya papuntang National Capital Region dahil hindi sila pinapayagang gamitin ang kanilang pribadong terminal sa Maynila.

Base sa direktiba ng IATF-EDI Resolution No. 101, kailangang gamitin ng mga bus companies sa pagbaba at pagsakay ng kanilang mga pasahero dito.


Matatandaan na sa question hour ng Sangguniang Panlalawigan noong Hulyo, hindi makabalik sa biyahe ang mga naturang bus companies dahil dagdag gastusin ng mga ito ang ibabayad sa NLET gayong may sarili naman silang terminal sa NCR.

Sinabi naman ng Gobernador ng lalawigan na hindi ito tutol sa pagbabalik biyahe ng mga bus basta ay kailangang masunod ang minimum public health standards.

Dahil dito, hiniling ng pamahalaang panlalawigan sa DOTR na maisagawa ang dayalogo sa pagitan ng mga bus companies.

Suhestiyon ng probinsiya na isagawa ito sa sa December 17, 2021 sa Lingayen Pangasinan o sa lalong madaling panahon. | ifmnews

Facebook Comments