Aminado ang Department of Budget and Management (DBM) na wala na tayong pondo ngayon para sa muling pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan 3.
Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, walang pondo ang pamahalaan sa planong P1,000 na cash assistance para sa bawat Pilipino sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Sa ilalim nito, nasa P405.6 billion ang pondong ilalaan ng pamahalaan para sa ayuda pero sa ngayon ay magpupulong pa ang Development Budget Coordinating Committee para pag-usapan kung saan sila hahagilap ng pera.
Sakali aniya kasing galawin ang pondong nakalaan ngayong 2021 ay maraming maaapektuhang mga proyekto ng iba’t ibang ahensiya.
Facebook Comments