
Kinikilala ng pamahalaan ang malaking pangangailangan para sa mga patakaran na nagsusulong ng transparency lalo na sa pamamahala sa pondo ng bayan
Ito ang iginiit ni Budget Sec. Rolando Toledo sa gitna ng mga imbestigasyon sa paggamit ng pondo para sa iba’t ibang mga proyekto ng pamahalaan.
Paliwanag ni Toledo, bibigyan nila ng halaga ang patuloy na reporma para maging mas bukas ang gobyerno at pagtutulungan ng mga institusyon.
Ito’y upang mapalakas ang tiwala ng publiko sa pamahalaan at kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa
Dagdag pa ng kalihim, mahalaga ang papel ng fiscal transparency, mahusay na pangangasiwa ng pondo at bukas na pamumuno para maisulong ang katatagan ng ekonomiya, inclusive growth gayundin ang patuloy na tiwala at tulong ng sektor sa negosyo.










