DCPO, NAGBABALA SA ILEGAL NA PAGGAMIT NG PNP UNIFORM

Nagpaalala si PCOL Orly Z. Pagaduan, Officer-in-Charge City Director ng DCPO, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot, pagbebenta, o paggamit ng uniporme, insignia, at badge ng Philippine National Police (PNP) nang walang kaukulang pahintulot.

Nakasaad ito sa Revised Penal Code at Executive Order No. 297 na may karampatang na parusa para sa sinumang lalabag dito.

Ayon sa opisyal, ang kampanyang ito ay bahagi ng patuloy na hakbang upang mapangalagaan ang integridad at propesyonal na imahe ng tanggapan. Binigyang-diin niya na ang maling paggamit ng uniporme ng pulisya ay maaaring magdulot ng panlilinlang at posibleng pag-abuso sa awtoridad.

Dagdag pa ni Pagaduan, ang pagrespeto sa opisyal na kasuotan ng mga pulis ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa kapulisan. Aniya, ang sinumang gumagamit nito nang walang pahintulot ay lumalabag hindi lamang sa batas kundi maging sa dignidad ng institusyon.

Hinikayat naman ng pamunuan ang mga residente na manatiling mapagmatyag at agad i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang insidente ng ilegal na paggamit ng PNP uniform upang maprotektahan ang mga komunidad laban sa kriminalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments