Manila, Philippines – Pinalagan ni Senator Leila De Lima ang hinala ni Senator Richard Gordon na kumita umano siya sa bentahan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa New Bilibid Prison o NBP.
Matapos ang pagdinig ng Senado ukol sa mga katiwalian sa NBP ay sinabi ni Gordon na posibleng sangkot sa GCTA for sale ang dating driver/bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan.
Sa tingin ni Gordon, maaring nagsimula ito nang pangunahan ni De Lima na noon ay justice secretary ang raid sa mga kubol sa NBP.
Tinukoy rin ni Gordon ang mga salaysay sa pagdinig nina dating Bureau of Corrections (BuCor) Organization of Islamic Cooperation (OIC) Rafael Ragos at dating NBI agent Jovencio Ablen na sa pamamagitan ni Dayan ay nai-deliver nila kay De Lima ang salapi mula sa NBP.
Binanggit pa ni Gordon na si De Lima rin ang isa sa bumalangkas ng Implementing Rules and Regulations ng GCTA law.
Pero giit ni De Lima, kawalan ng delicadeza at respeto ang ginawa ni Gordon at iba pang mga senador na pagmaniobra sa pagdinig ng Senado para maisangkot siya sa mga katiwalian ngayon sa NBP.