Nanindigan ang Grab Philippines na itutuloy nila ang pagdede-activate sa 8,000 Transport Network Vehicle Services units ngayong araw.
Ayon kay Atty. Jenicka Hosaka, Public Affairs Manager ng Grab Philippines sumusunod lamang sila direktiba ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board na i-deactivate ang mga colorum na TNVS.
Nabatid na ang 8,000 TNVS ay bigong makapagsumite ng katibayan na mayruon silang provisional authority mula sa LTFRB.
Kasunod nito pinapayuhan ng Grab ang mga madedeactivate na TNVS na mag apply sa bubuksan nilang panibagong 10,000 TNVS slots.
Sinabi ni Atty. Hosaka na nakahanda silang asistehan ang kanilang mga Grab partner drivers.
Magkakaroon aniya sila ng Grab TNVS Assistance Program sa Matrix Creation Events Venue sa Diliman Quezon City magmula ngayong araw June 10 -13 mula alas 8 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon.