HEALTHY LIVING | Alamin ang “masarap bawal diet” ni Susan Roces

Manila, Philippines – Maganda at healthy pa rin ang veteran actress na si Susan Roces sa kabila ng kanyang edad na 76.

Sa isinagawang contract-signing bilang endorser ng isang sikat na brand ng generic medicines, sinabi ng aktres na kung ano man ang wrinkles na mayroon siya ngayon, iyon daw ay mga “happy wrinkles”.

Sekreto raw ng Queen of Philippine Movies dito ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga.


Kaya nga thankful siya sa kanyang mga manager dahil hindi raw siya nito pinababayaang magtrabaho nang lagpas 12 midnight, “nagpapaka-Cinderella” say niya.

Sinusunod din daw niya ang payo ng kanyang doktor na “lahat ng masarap, tanggalin mo”.

Paliwanag ni Roces sa kanyang “bawal masarap diet” pwede raw siyang kumain ng seafoods pero alisin ang aligue ng alimango, huwag kainin ang ulo ng hipon at taba ng tiyan ng bangus.

At sana raw matuto na ang lahat sa epekto ng sobrang pagkain ng lechon.

Facebook Comments