DEAD ON ARRIVAL | Agricultural aircraft, pinagbabaril ng NPA sa Surigao del Sur; piloto nito patay

Surigao del Sur – Patay ang isang piloto matapos na pagbabarilin ng
teroristang New Peoples Amry (NPA) ang kaniyang minamandong spray plane sa
Groto Malixi Tagbina Surigao del Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing piloto na si Lembert Lagoda 64 anyos.

Ayon kay PNP Region 13 Regional Director Police Chief Superintendent Noli
Romana, alas -8:04 ng umaga kanina habang nagsasagawa ng area plane spray
ang piloto sa Sumifru Banana Plantation ay pinagbabaril ito ng mga
terorista ng NPA.


Nagawa pang mailapag ng piloto ang eroplano bago ito naisugod sa ospital
pero idineklarang dead on arrival.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Tagbina Municipal Police
Station upang makapagsampa ng kaso laban sa mga miyembro ng GF14 North East
Mindanao Regional Committee.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments