DEAD ON ARRIVAL | Lalaki, patay nang tambangan ng riding in tandem sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki nang tambangan ng riding in tandem sa kanto ng Pedro Gil at Taft Avenue sa Malate, Maynila.

Isinugod pa sa Philippine General Hospital ang hindi pa nakikilalang biktima pero idineklara ring dead on arrival dahil sa tama ng bala sa katawan.

Ayon kay MPD Station 5 Commander Police Superintendent Igmedio Bernaldez, binabaybay ng biktima sakay ng kanyng kulay asul na SUV na may plate number na XBH-485 ang Taft Avenue southbound lane nang pagbabarilin ng mga suspek.


Nakatakbo pa raw palayo ang biktima habang pinuputukan ng mga suspek hanggang sa tuluyan na itong abutan sa kanto ng Pedro Gil at Taft Avenue sa tapat mismo ng isang gasolinahan.

Inaalam naman na kung nakuhanan sa CCTV ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments