DEAD ON THE SPOT | Isang dalaga, patay matapos mabundol at magulungan ng dump truck

39

Valenzuela City – Patay ang isang dalaga matapos mabundol at magulungan pa ng dump truck habang sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City. Dead on the spot ang biktimang si Edelyn Abelo, 36-anyos residente ng Barangay Viente Reales ng nasabing lungsod habang nasakote naman kaagad ang suspek na si Eddie Ringor. Sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang dalaga kung saan nabundol ito ng dump truck matapos na mag-overtake sa Mac Arthur Highway sa Barangay Malanday. Pumasok sa ilalim ng dump truck ang motorsiklo ng biktima at nagulungan pa ang katawan nito na siya nitong ikinamatay.

Facebook Comments