Deadline ng pag-iisyu ng plastic card ng driver’s license hanggang katapusan ng April 2023 ayon sa LTO

Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na hanggang katapusan na lang ng buwan ng April makakapag-isyu ng plastic card ng driver’s license ang LTO.

Ayon kay LTO NCR East Regional Director Benjamin Santiago III na mayroon pa silang suplay ng plastic card hanggang April 30 dahil ubos na umano ang suplay nila ng plastic card na ginagamit sa driver’s license.

Paliwanag ni Santiago, susubukan din umano nila na paabutin hanggang sa ika-lima ng Mayo ang pag-iisyu ng plastic card driver’s license.


Pero hindi na umano nila alam kung mayroon pa silang maisisilbi na plastic card driver’s license sa pag-a-apply o magre-renew.

Dagdag pa ni Santiago na may mga rekomendasyon na umano sila sa pinuno ng LTO upang makapag-isyu pa rin ng lisensya sa mga nag-aapply.

Kinakailangan na mag isyu na papel na driver’s license dahil sa kawalan ng supplier ng plastic card.

Facebook Comments