Deadline sa pag-avail ng Estate Tax Amnesty, hanggang Hunyo 14 lamang ayon sa BIR

Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang June 14, ngayong taon ang deadline sa pag-avail ng Estate Tax Amnesty.

Ang pagpapalawig ng panahon para sa tax amnesty ay alinsunod sa Revenue Regulations No. 17-2021 na inisyu ng BIR noong Agosto 3, 2021.

Sakop ng Estate Tax Amnesty ang ari-arian ng mga yumao na namatay noon o bago ang Disyembre 31, 2017, ito man ay mayroon o walang assessments na nararapat na ibinigay para sa Estate Tax na nanatiling hindi bayad o naipon noong December 31, 2017.


Sinabi ng BIR na pagkakataon na ng mga tagapag mana ng ari-arian para maayos ito sa pamamagitan ng Tax Amnesty.

Anim na porsiyento lang ang babayaran, walang back taxes at penalties ang sisingilin at hindi mahaharap sa anumang kaso.

Facebook Comments