Dear Bestfriend – Ok lang na magbago siya, wag lang ang Relasyon naming dalawa

99

Ok lang na magbago siya, wag lang ang Relasyon naming dalawa
Ako si Elena, 21 at kasalukuyan ay may kasintahan at itago natin siya sa pangalang Arthur.
Tatlong taon na po kaming magkarelasyon, at sa tatlong taon na iyon ay madalang lang kami kung magkita. Isa po kasi siyang truck driver at maraming lugar po ang kanyang pinupuntahan. Minsan isang linggo siya sa isang lugar at minsan naman ay inaabot siya ng buwan, lalo na kapag malawak ang sakop na kanilang pupuntahan.
Naiintindihan ko naman po ang trabaho niya, pero minsan hindi ko po maintindihan kung bakit ako nalang ang laging gumagawa ng paraan para maka usap siya. Kasi po simula noong nag trabaho siya bilang driver 1 year ago ay hindi na siya katulad ng dati. Lagi nalang ako ang kumocontact sa kanya at ni minsan ay hindi niya nagawang maunang tumawag o mag text man lang. Alam ko pong mahirap pero pinipilit ko nalang pong kumapit. Pero bakit po ganun pakiramdam maging ako ay unti-unti na ring bumibitaw sa relasyon naming dalawa. Umaasa ako na gagawa siya ng paraan para maayos ang relasyon naming dalawa, at hindi humantong sa hiwalayan.

Virus-free. www.avast.com


Facebook Comments

From Advertisers