Lokal na pamahalaan ng Marawi aminadong minsan ay nauubosan na sila ng ipamahaging tulong sa mga bakwit.., Mayor Gandamra umaasang matatapos na ang gulo sa kanyang lungsod

Patuloy na namahagi ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Marawi City para sa mga bakwit na biktima ng kagulohan sa lungsod.   Ito ang kinumpirma ni Marawi City Mayor Majul Gandamra kahit pa may mga araw na pawang nauubosan na ng ipamamahaging tulong ang lokal na pamahalaan ng Marawi dahil sa napakaraming bakwit na bigyan nila ng tulong.   Sinabi ng alkalde na naghahanap sila ng paraan para hindi magutoman at mananatiling makatanggap ng tulong ang mga bakwit.   Marami naman din umanong grupo at ibat-ibang sector na nag-donate ng tulong para sa mga IDPs kayat kampante si Mayor Gandamra na hindi mauubosan ng tulong ang kanyang mga kababayan.   Patuloy na umaasa si Gandamra at humihingi ng tulong at dasal na sana matapos na ang nagpapatuloy na kagulohan sa lungsod ng Marawi hanggang ngayon.

 

Facebook Comments