DEATH ANNIVERSARY | Pamilya at kaibigan ng Koreanong pinatay sa loob ng Camp Crame nag-alay ng bulaklak at dasal

Manila, Philippines – Taimtim na nagdasal at nagalay ng bulaklak ang pamilya ng koreanong si Jee Ick Joo na pinatay sa loob sa Camp Crame noong October 18, 2016

Sa lugar sa loob ng Camp Crame na pinaniniwalaang pinatay umano si Jee Ick Joo naglagay ng mga bulaklak at nagdasal ang pamilya nito bilang pagalala sa pagkamatay nito.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP Chief Oscar Albayalde sa pamilya ni Jee Ick Joo, at sinabi nitong sana ay naiintindihan ng pamilya ni Jee Ick Joo na ang nangyari rito ay hindi naglalarawan sa imahe ng buong PNP.


Sa katunayan aniya nakasuhan na ang mga pulis na nasangkot sa pagpatay kay Jee Ick Joo.

Matatandaang dinukot si Jee Ick Joo sa kanyang bahay sa Angeles, Pamapanga

Natagpuan ang kanyang bangkay sa isang sasakyan sa loob ng Camp Crame na pinaniniwalaang pinatay sa sakal at ang mas malala pina cremate ang katawan ng biktima ay iflinush sa inidoro sa funelar parlor sa Caloocan.

Dahil dito ilang police officers ang kinasuhan ng kidnapping, Homicide at Carnapping at ngayon ay nakakulong na.

Ito ay sina supt Rafael Dumlao III, SPO3 Ricky Sta Isabel at sibilyang si Jerry Omlang.

Facebook Comments