Death Penalty, Nais Ibalik ng VACC!

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin sa panawagan ang hanay ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa ginanap na Presscon sa Metro Manila na ibalik na ang Bitay o ang Death Penalty para sa mga kriminal dito sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Boy Arsenio Evangelista, ang Spokesperson ng VACC aniya patuloy pa rin ang kanilang panawagan na ibalik na ang Death Penalty dito sa bansa para sa mga mamamatay tao.

Aniya, gusto nilang isulong ito dahil sa patuloy na insidente ng pagpatay dito sa bansa gaya na lamang sa mga alagad ng batas, mga matataas na opisyal, mga abogado maging ang mga pari at maging ang mga inosenteng tao.


Layunin din umano ng kanilang isinusulong na Death Penalty ay upang supilin ang mga responsable sa krimen lalo na sa mga nagsasagawa ng Riding-in-Tandem na pagpatay.

Ayon pa kay ginoong Evangelista, Nirerespeto naman umano nila ang pananaw ng mga Simbahan subalit hindi na umano maganda na magpatuloy pa sa mga masasamang gawain ang mga kriminal.

Nilinaw rin ni Ginoong Evangelista na ang Death Penalty ay para lamang umano sa mga criminal o mamamatay tao upang ang mga ito ay magdalawang isip na hindi ituloy ang kanilang masamang binabalak dahil katumbas rin ito ng kanilang buhay.

Dagdag pa ni ginoong Evangelista, na sana’y mabigyan umano sila ng konting pagkakataon upang subukan ang kanilang isinusulong dahil napapahon na umano dahil sa mga nangyayaring krimen dito sa ating bansa at sana’y pataasin pa ng kapulisan ang kanilang Visibility upang mas maiwasan ang anumang krimen.

Facebook Comments