Manila, Philippines – Muling isinulong ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagbabalik ng parusang kamatayan.
Ayon Kay VACC Spokesperson Arsenio “Boy” Evangelista, dapat gawin sa harap ng publiko ang pagpaparusa ng kamatayan sa mapapatunayang kriminal.
Ito ay para umano matakot ang mga kriminal sa paggawa ng krimen.
Tinuligsa naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang suhestiyong ito dahil hindi epektibong paraan ang parusang kamatayan sa pagpigil ng karahasan sa bansa.
Facebook Comments